Pag-explore sa YouTube nang May Kumpiyansa:
Pampamilyang gabay sa mga pinapatnubayang experience
Magkakaiba ang bawat pamilya, kaya may mga mapagpipilian tayo. Mag-explore ng ilang kapaki-pakinabang na tip para makatulong na makagawa ng maiinam na digital na kagawian.
JESSICA PIOTROWSKI
PHD at Direktor ng Center for Research on Children, Adolescents, and the Media
ELLEN SELKIE
MD, MPH, Pediatrician
Pumili mula sa 3 magkakaibang setting ng content
Sa pangkalahatan, naaayon ang mga setting na ito sa mga content rating batay sa edad at unti-unti nitong pinapalawak ang access sa mga video sa YouTube sa mas maraming paksa at genre. Matuto pa tungkol sa mga pinapatnubayang experience o gumawa ng account.
Mga tip at trick
- Pag-isipang gumawa ng pampamilyang kontrata sa media tungkol sa kung kailan at kung saan puwedeng manood ang iyong anak
- Malinaw na ilista ang uri ng content na hindi niya dapat panoorin at gumawa ng plano ng pagkilos
- Ilista ang mga hakbang na puwede niyang gawin kung hindi siya kumportable, hindi siya ligtas, o nagdududa siya dahil sa video
Huwag magpalinlang sa peke
Mahalagang kasanayan na matutunan ng mga bata ang pagtukoy kung ano ang totoo at kung ano ang peke online kapag nanonood ng mga video online at gumugugol ng oras online.
Mga tip at trick
- Hikayatin ang iyong mga anak na gumamit ng mapanuring pag-iisip kapag nanonood ng mga video at sundin ang kanyang kutob
- Turuan kung paano maghanap ng mga mapagkakatiwalaang source kapag nag-aaral tungkol sa mga kasalukuyang event, makasaysayang tao, at iba pang sikat na paksa
- Mag-ingat sa mga clickbait, kahina-hinalang URL, logo, o hindi kapani-paniwalang pamagat
- Makipagtalakayan sa magulang kapag nakahanap ka ng isang bagay na parang mali
Astig maging mabuti
Hikayatin ang mga bata na isipin kung itinatrato ng mga tao sa mga video na pinapanood nila ang ibang tao sa paraang gusto nilang tratuhin sila.
Mga tip at trick
- Turuan ang iyong mga anak na ihinto ang pagpapakalat ng masasamang video sa pamamagitan ng hindi pagpapasa ng mga ito sa ibang tao
- Ipaliwanag kung paano mag-ulat ng mga video na mapoot, naglalaman ng panliligalig, o hindi naaangkop
- Makipagtalakayan sa isang nasa hustong gulang na pinagkakatiwalaan nila kung may mapanood silang video na nagdudulot sa kanila ng pagkainis o pagiging hindi kumportable
- Mag-chat tungkol sa Mga Creator sa YouTube o channel sa YouTube na gumagawa ng positibong epekto at pumipigil sa pambu-bully
Kontrolin mo ang iyong pag-scroll
Tinitiyak ng digital wellness na hindi negatibong nakakaapekto sa ating kalusugan ng pag-iisip, kalusugang pisikal, kalusugang social, o kalusugang emosyonal ang paraan kung paano natin ginagamit ang teknolohiya.
Mga tip at trick
- Awtomatikong naka-on sa mga pinapatnubayang experience ang mga paalala sa pahinga at paalala sa oras ng pagtulog ng YouTube
- Hikayatin ang mga bata na manood ng content na naghihikayat sa paggalaw
- Magtakda ng maximum na bilang ng oras na gugugulin sa YouTube kada linggo gamit ang Google Family Link app
- I-customize ang mga oras na tahimik ang iyong notification