Dito nagsisimula ang pag-explore

Naniniwala kaming magagawa ng mga batang tumuklas ng mga bagong interes, matuto mula sa iba't ibang pananaw, at makaramdam na may kinabibilangan sila kapag in-explore nila ang mundo ng online na video. Kaya binibigyan ka namin ng mga pagpipilian para magabayan ang journey ng iyong mga anak sa YouTube at makapili ka ng pinakamainam na experience sa YouTube para sa pamilya mo.

Alamin ang iyong mga mapagpipilian

Mga mapagpipilian para sa bawat pamilya

Magkakaiba ang paggamit ng bawat pamilya sa media at teknolohiya, kaya nag-aalok kami ng mga opsyon para makapagpasya ka kung ano ang pinakanaaangkop para sa pamilya mo. Regular naming ina-update ang aming mga produkto para matugunan ang iba't ibang pangangailangan ng mga pamilya, at ginagawa namin iyon nang kumokonsulta sa aming komite sa pagpapayo ng mga independent na eksperto.

Tumuklas ng mga paraang naaangkop sa edad para ma-explore ng iyong mga bata, pre-teen, at teenager ang YouTube

Experience na pinapatnubayan ng magulang

Isang pinapamahalaang experience sa YouTube para sa mga pre-teen*

Ang experience sa YouTube — na pinapamahalaan mo — para sa mga magulang na magpapasyang handa na ang kanilang mga anak na i-explore ang malawak na mundo ng mga video at musika sa YouTube. May mga setting ng content para sa mga pre-teen, parental controls, at proteksyon sa digital wellness.

  • create

    Gumawa ng pinapatnubayang Google Account para sa YouTube

    Pamahalaan ang experience ng iyong anak sa app, website, mga Smart TV, at mga gaming console

  • choose

    Pumili sa tatlong setting ng content

    Karaniwang nakahanay sa mga content rating ayon sa edad, simula sa 9+

  • workswith

    Magtakda ng parental controls

    Mag-block ng mga channel, mag-adjust ng mga limitasyon sa oras gamit ang Family Link app ng Google, at higit pa

  • before

    Bago sila mag-explore, tulungan silang maging mga ligtas at handang user ng YouTube

    I-explore ang gabay para sa magulang para simulan ang pag-uusap

Naglalaman ang YouTube (ang karanasang may patnubay ng magulang nito) ng napakaraming video, at higit na mas malaki ito kaysa sa aming hiwalay na YouTube Kids app. Sinisikap ng aming mga system na maiwasan ang hindi naaangkop na content, pero hindi perpekto at posibleng magkamali ang mga ito. Posibleng hindi naaangkop para sa mga bata ang ilang video. Kung gusto mo ng mas limitadong experience para sa iyong anak, posibleng mas magandang opsyon ang YouTube Kids.

Matuto Pa

Isang pinapamahalaang experience sa YouTube para sa mga teenager*

Sa paglaki ng iyong mga pre-teen, puwede ring lumawak ang kanilang mga interes. Ang bagong opsyon sa pamamahala ng YouTube ay tumutulong sa iyong magkaroon ng mga malayang pag-uusap kasama ang mga teenager mo habang nagsisimula silang gumawa at mag-share sa YouTube sa unang pagkakataon.

  • channel

    Mga limitasyon sa paulit-ulit na panonood ng ilang partikular na uri ng content

    Para sa mga 17 taong gulang at mas bata, awtomatikong nililimitahan ng YouTube ang pagrerekomenda ng mga piling uri ng content na puwedeng magdulot ng problema kung paulit-ulit na mapapanood, - gaya ng pagpapakita ng marahas na pag-uugali sa ibang tao at pananakot.

Para matulungan ang mga magulang na simulan ang pag-uusap, available ang mga tip at resource para matulungan kang gabayan ang proseso ng paggawa ng content ng iyong teenager.

Alamin kung paano magsimula

Mga feature ng YouTube para suportahan ang kapakanan ng teenager

Kung handa na ang iyong teenager para sa buong experience sa YouTube, mayroon ding mga available na feature ang YouTube para suportahan ang kapakanan ng teenager

  • reminder

    Mga paalalang sasabihin sa iyong mga teenager na magpahinga

    Nakatakda ang mga notification na magpahinga kada 60 minuto, "Naka-on" ang mga ito bilang default para sa mga 13-17 taong gulang

  • notifications

    Ipinapaalam ng mga notification sa mga teenager na posibleng oras na para matulog

    Nakatakda sa 10pm ang mga paalala ng oras ng pagtulog, "Naka-on" ang mga ito bilang default para sa mga 13-17 taong gulang

  • autoplay

    Hindi awtomatikong magpe-play ang susunod na video para sa iyong mga teenager

    Nagbibigay-daan ang feature na autoplay para awtomatikong mag-play ang isa pang kaugnay na video kapag natapos na ang isang video, pero naka-off bilang default ang feature na ito para sa mga user na wala pang 18 taong gulang.

  • limitations

    Mga limitasyon sa paulit-ulit na panonood ng ilang partikular na uri ng content

    Para sa mga 17 taong gulang at mas bata, awtomatikong nililimitahan ng YouTube ang pagrerekomenda ng mga piling uri ng content na puwedeng magdulot ng problema kung paulit-ulit na mapapanood, - gaya ng pagpapakita ng marahas na pag-uugali sa ibang tao at pananakot.

Hiwalay na app para sa mga bata

Isang app para sa mga bata

Isang hiwalay na app na binuo mula sa umpisa para maging mas ligtas at mas simpleng karanasang mae-explore ng mga bata, na may mga tool para magabayan sila ng mga magulang at tagapag-alaga sa kanilang paggamit.

  • create

    Gumawa ng mga indibidwal na profile na bukod-tangi gaya ng iyong mga anak

    May mga mapagpipilian at setting para sa naka-personalize na content

  • choose

    Pumili ng level ng content batay sa edad ng iyong anak

    Pumili ng gustong karanasan para sa 4 na taong gulang pababa, 5-8 taong gulang, o 9-12 taong gulang

  • approve

    O aprubahan kung ano ang puwedeng panoorin ng iyong mga anak

    Pumili at mag-apruba ng mga video, channel, o koleksyon

  • screen-time

    Magtakda ng mga limitasyon sa tagal ng paggamit, mag-block ng mga video, at higit pa

    Parental controls para pamahalaan ang karanasan ng iyong pamilya

  • every-screen

    Kasiyahan sa bawat screen

    I-enjoy ang YouTube Kids sa mobile, desktop, at mga Smart TV

Higit na mas kaunti ang content na available sa YouTube Kids kaysa sa pangunahing app at website ng YouTube. Nagsisikap kami para mapanatiling pampamilya ang mga video sa YouTube Kids at gumagamit kami ng iba't ibang naka-automate na filter na binuo ng aming mga engineering team, pagsusuri ng tao, at feedback mula sa mga magulang para maprotektahan ang ating komunidad. Pero hindi manual na nasuri ang lahat ng video. Kung makakita ka ng bagay na hindi naaangkop na napalampas namin, puwede mong i-flag iyon para sa mabilis na pagsusuri. Mapapahusay nito ang app para sa lahat.

Matuto Pa

Mga madalas itanong (FAQ)

Pag-unawa sa iyong mga mapagpipilian

Puwede kang magpasya kung anong experience sa YouTube ang pinakamaganda para sa iyong pamilya. Gamitin ang mga tanong sa ibaba para malaman ang mga pagkakaiba ng pinapamahalaang account sa YouTube at YouTube Kids app.

Ano ito?

  • YouTube Kids: Isang hiwalay na app na mas ligtas at mas simpleng experience para sa mga bata. May mga tool para magabayan sila ng mga magulang at tagapag-alaga sa kanilang panonood. Matuto pa sa youtube.com/kids.

  • Mga pinapamahalaang experience para sa mga pre-teen: Isang bersyon ng regular na YouTube na pinapamahalaan ng magulang at may mga limitadong feature at proteksyon sa digital wellness. May mga setting ng content para sa mga pre-teen. Matuto pa tungkol sa mga pinapamahalaang experience ng pre-teen.

  • Mga pinapamahalaang experience para sa mga teenager: Isang boluntaryong pinapamahalaang experience ng regular na YouTube na puwedeng i-set up ng mga magulang o teenager. Makakakuha ang mga magulang ng mga insight sa aktibidad ng channel ng kanilang teenager. Matuto pa tungkol sa mga pinapamahalaang experience ng teenager.

Para kanino ito?

  • YouTube Kids: Mga batang may mga magulang na gustong personal na piliin ang content na papanoorin nila. Mga batang may mga magulang na gustong piliin ang content na papanoorin nila batay sa 3 setting ng content na nakabatay sa edad: Preschool (4 na taong gulang pababa), Mas Bata (5–8 taong gulang), at Mas Matanda (9–12 taong gulang).

  • Mga pinapamahalaang experience para sa mga pre-teen: Mga batang wala pang 13 taong gulang (o wala pa sa naaangkop na edad sa kanilang bansa o rehiyon na may mga magulang na nagpasyang handa na silang mag-explore sa YouTube nang may mga naka-apply na setting ng content na pinili ng magulang.

  • Mga pinapamahalaang experience para sa mga teenager: Mga teenager na lampas sa 13 taong gulang (o sa naaangkop na edad sa kanilang bansa o rehiyon na gumagamit ng YouTube pero gusto pa rin ng kaunting patnubay.

Gaano karaming content ang available para sa aking anak?

  • YouTube Kids: Mas kaunti ang mga pagpipiliang video kaysa sa pinapamahalaang account sa YouTube. Nagbabago ang dami ng available na content batay sa setting ng content na pipiliin mo (nakaayos): Preschool (4 na taong gulang pababa), Mas Bata (5–8 taong gulang), at Mas Matanda (9–12 taong gulang).

  • Mga pinapamahalaang experience para sa mga pre-teen: Mas marami ang video at musika kaysa sa aming hiwalay na YouTube Kids app. Nagbabago ang dami ng available na content batay sa setting ng content na pipiliin mo: Mag-explore, Mag-explore pa, at Karamihan ng nasa YouTube. Makakapagbasa ng mga komento sa video ang mga batang gumagamit ng setting ng content na Mag-explore pa o Karamihan ng nasa YouTube.

  • Mga pinapamahalaang experience para sa mga teenager: Lahat sa YouTube, maliban sa content na pinaghihigpitan ayon sa edad.

Mga pinapamahalaang account sa YouTube para sa Mga Pre-Teen*

Available ang mga sinusubaybayang account sa YouTube para sa mga batang wala pang 13 taong gulang (o ang naaangkop na edad sa iyong bansa) na may Google Account na pinapamahalaan sa pamamagitan ng Family Link. Sa pamamagitan ng pag-set up ng sinusubaybayang account na naka-link sa sarili mong account, at paggamit ng account ng iyong anak para mag-sign in sa YouTube, maa-adjust mo ang kanyang experience gaya ng inilalarawan sa unang FAQ sa itaas.

Matuto pa para magsimula.

Bilang magulang, nasubaybayan mo ang paglaki ng iyong anak at nakita mo ang pagbabago sa kanyang mga interes. Saanman siya dalhin ng mga bagong interes na ito, nagbibigay ang platform ng YouTube na may sari-saring creator ng content ng libangan, mga ideya, mga pananaw, at mga komunidad na puwede niyang i-explore. Ikaw ang lubos na nakakakilala sa iyong anak, kaya naman nagbibigay kami ng tatlong opsyon sa setting ng content na mapagpipilian mo:

  • Mag-explore: Karaniwang nakahanay sa mga content rating para sa mga manonood na 9+. Magtatampok ito ng iba't ibang vlog, tutorial, gaming video, music video, balita, pang-edukasyong content, DIY, arts and crafts, sayaw, at marami pang iba. Walang live stream, maliban sa Mga Premiere.
  • Mag-explore ng higit pa: Karaniwang nakahanay sa mga content rating para sa mga manonood na 13+. Mas maraming video sa setting na ito – kasama na ang mga live stream – sa mga kategoryang kabilang din sa Mag-explore.
  • Karamihan ng YouTube: Kasama ang halos lahat ng nilalaman ng YouTube, maliban sa content na minarkahang 18+ ng mga channel, ng aming mga system, o ng mga tagasuri namin.

Naglalaman ang mga setting ng content na ito ng napakaraming video, at higit na mas malaki ito kaysa sa aming hiwalay na YouTube Kids app. Sinisikap ng aming mga system na maiwasan ang hindi naaangkop na content, pero hindi perpekto at posibleng magkamali ang mga ito. Posibleng hindi naaangkop para sa mga bata ang ilang video. Kung gusto mo ng mas limitadong karanasan para sa iyong anak, posibleng mas magandang opsyon ang YouTube Kids.

May mapagpipilian kang 3 setting ng content. Matuto pa tungkol sa iyong mga opsyon at kung alin ang posibleng naaangkop para sa pre-teen mo.

Ginagamit ng mga tao sa iba't ibang panig ng mundo ang YouTube para malayang ipahayag ang kanilang mga ideya at opinyon, at naniniwala kaming makakabuo tayo ng mas matatag at matalinong lipunan kung maraming iba't ibang pananaw, kahit na hindi tayo sang-ayon sa ilan sa mga pananaw na iyon. Itinakda ng aming Mga Alituntunin ng Komunidad kung ano ang pinapayagan at hindi pinapayagan sa YouTube, at naaangkop din ito sa sinusubaybayang karanasan.

Sa pamamagitan ng pag-set up ng sinusubaybayang account para sa iyong anak, at pagpili ng setting ng content para sa kanya, magkakaroon ng mga karagdagang limitasyon ang content na mahahanap niya o irerekomenda sa kanya.

Lubos naming pinapahalagahan ang aming mga user at nagsisikap kami para mag-alis ng mga hindi naaangkop na video, pero walang perpektong naka-automate na system ng mga filter. Puwede mong baguhin ang mga pahintulot sa app at setting ng content para sa iyong anak anumang oras. Kung may makita kang sa tingin mo ay lumalabag sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad, pakiulat ito para sa pagsusuri. Papahusayin nito ang YouTube para sa lahat.

Naka-link sa sarili mong account ang pinapamahalaang account ng iyong anak, na nagbibigay sa iyo ng kakayahang i-adjust ang mga setting ng account niya. Kasama rito ang pagbabago ng kanyang setting ng content, pag-pause o pag-clear ng kanyang history, pag-block ng mga channel, at kung kinakailangan, ang pag-aalis ng kanyang access sa YouTube. Matuto pa rito.

Kung mapagpapasyahan mong handa na ang iyong anak na mag-explore sa YouTube gamit ang pinapamahalaang account, maa-apply din ang setting ng content na pipiliin mo para sa kanya sa mga opisyal na album, single, video, remix, live na performance, at higit pa kapag nag-sign in siya sa YouTube Music sa Android, iOS, at desktop.

Sinusuportahan ang mga pinapamahalaang account para sa YouTube Music. Ang setting ng content na pipiliin mo para sa kanyang pinapamahalaang account ay maa-apply din sa content sa YouTube Music kapag nag-sign in siya sa app o website.

Bahagi ng Google ang YouTube at sumusunod ito sa mga patakaran sa privacy at prinsipyo ng Google. Alam naming mahalaga para sa iyo na maunawaan kung anong personal na impormasyon ang kinokolekta namin kaugnay ng Google Account ng iyong anak. Alam din naming kailangan mong malaman kung bakit namin ito kinukuha, at kung paano mo makokontrol at made-delete ang impormasyong iyon. Ipinapaliwanag ng Patakaran sa Privacy ng Google at ng aming Notification ng Privacy para sa Mga Google Account para sa mga batang wala pang 13 taong gulang (o wala pa sa naaangkop na edad sa kanilang bansa/rehiyon) ang aming mga kagawian sa privacy.

Mapapamahalaan at matututunan pa ng iyong anak ang kanyang mga setting at kontrol sa privacy sa YouTube sa ilalim ng "Ang Iyong Data sa YouTube sa account niya. Kasama sa page na ito ang isang buod ng data ng kanyang video at aktibidad, at mga setting para pamahalaan ang data na ito. Idinedetalye rin sa page na ito ang impormasyon tungkol sa kung paano ginagamit ang kanyang data para pagandahin ang kanyang experience sa YouTube, tulad ng pagpapaalala sa kanya kung ano ang pinanood niya at pagbibigay sa kanya ng mga rekomendasyon.

Bilang magulang na manager ng Google Account ng iyong anak, puwede mong i-pause o i-clear ang kanyang history ng paghahanap at panonood mula sa Family Link. Puwede mo ring i-clear ang history sa iyong Mga Setting ng Magulang sa page na Family Center sa YouTube.

Para mas maprotektahan ang mga bata, ipinagbabawal ang mga ad na nasa ilang partikular na kategorya at naka-off ang mga naka-personalize na ad. Posibleng makakita ng ad bumper ang mga manonood ng content na "para sa bata" bago at pagkatapos ipalabas ang video ad. Makakatulong ang bumper na ito na alertuhan sila kung kailan magsisimula at matatapos ang advertisement. Kung mayroon kang plan ng pamilya sa YouTube Premium, kwalipikado ang iyong anak para sa walang ad na content at iba pang naka-share na benepisyo ng membership.

Ipapakita sa mga pinapamahalaang account sa YouTube ang mga video kung saan sinabi sa amin ng creator na mayroong binabayarang placement ng produkto o pag-endorso sa kanyang video. Dapat ding sumunod ang mga video na ito sa patakaran sa ad sa mga video na para sa bata.

Mga pinapamahalaang account sa YouTube para sa Mga Teenager*

Matitingnan ng mga magulang ang aktibidad ng channel ng kanilang teenager sa Family Center. Kapag naka-link na ang mga account, makikita ng mga magulang ang:

  • Mga channel na pagmamay-ari ng kanilang teenager at ang mga pangalan ng mga channel kung saan puwedeng mag-upload ng video ang kanilang teenager. Matitingnan ng mga magulang ang impormasyon para sa mga channel na ito gaya ng larawan sa profile, channel banner, handle, bio, at bilang ng mga subscriber.

  • Bilang ng mga pampubliko, pribado, at hindi nakalistang video na in-upload ng kanilang teenager sa mga channel niya.

  • Bilang ng mga live stream na na-host ng kanilang teenager sa mga channel niya.

  • Bilang ng mga komentong na-post ng iyong teenager sa iba pang video.

  • Bilang ng mga channel kung saan naka-subscribe ang kanilang teenager.

Makakatanggap ang mga magulang ng mga notification sa email para makakuha ng mga update tungkol sa aktibidad ng channel ng kanilang teenager, tulad kapag nag-post siya ng bagong video o nagsimula siya ng live stream. Puwedeng i-off ang mga notification sa email anumang oras kung ayaw mo nang makatanggap ng mga ito.

* Ang mga pinapatnubayang experience para sa mga pre-teen ay available sa mga batang wala pang 13 taong gulang (o sa nauugnay na edad sa kanilang bansa o rehiyon). Ang mga pinapatnubayang experience para sa mga teenager ay available sa Mga Teenager na lampas sa 13 taong gulang (o sa nauugnay na edad sa kanilang bansa o rehiyon).