Loading...

FRIDAY 5: Kathryn Bernardo 'The Teen Queen of Drama'

1,078,117 views

Loading...

Loading...

Rating is available when the video has been rented.
This feature is not available right now. Please try again later.
Published on Apr 4, 2014

Eto ang mga eksenang nagluklok kay Kathryn Bernardo bilang "Teen Queen Ng Drama":

1. It Might Be You (2003) - Young Cielo
Si Cielo ay isang ulila na naiwan sa pangangalaga ng mga madre sa Hospicio. Ngunit di maiwasan na mahiwalay siya sa madre na pinakamalapit sa puso niyang si Sister Hannah. Sa murang edad, naranasan na niya ang maiwan ng lahat ng kanyang mahal sa buhay. Si Bea Alonzo ang gumanap ng Cielo nang ito'y maging ganap na dalaga na.

2. Vietnam Rose (2005) Young Carina
Si Carina ay isang Vietnamese na maagang naulila sa kanyang ina at sundalong ama. Nabaril ng kalaguyo ng kanyang ina ang kanyang ama. Mahirap ang pinagdaanan niya para matakasan ang giyera. Mula sa Vietnam, nakipagsapalaran siya sa Pilipinas upang takasan ang giyera. Nang lumaki na si Carina Dela Cerna ay si Maricel Soriano ang gumanap.

3. Magkaribal (2010) Anna
Iniwan ng kanyang ama at nakitang namatay ang kanyang ina sa pagkabundol ng sasakyan, matinding pighati ang dinanas ni Anna mula pagkabata. Sila ng kanyang nakababatang kapatid na si Angela ay kailangang suportahan ang kanilang sarili para mabuhay. Ngunit isa na namang trahedya ang sumubok kay Anna, nasunog ang bahay nila at namatay ang nakababatang-kapatid. Dahil sa mga karanasan sa buhay, ipinangako niyang magbabayad ang lahat ng mga umapi sa pamilya niya. Paglaki ni Anna, papalitan niya ang pangalan niya sa Victoria Valera kung saan ni Gretchen Barretto ang gumanap.

4. Mara Clara (2010) Mara
Ang orihinal na Mara Clara ay pinagbidahan ni Judy Ann Santos at Gladys Reyes bilang Mara Clara. Sa 2010 remake, sina Kathryn Bernardo at Julia Montes ang gumanap na Mara at Clara. Sa eksenang ito, nagalit si Gary (Jhong Hilario) dahil may hindi ito nagustuhan na ginawa ni Mara. Nasaktan ni Gary si Mara kaya't di sinasadyang mauntog sa sahig ang ulo ng dalaga at magdugo. Ang lahat ng ito ay nasaksihan ni Susan (Mylene Dizon) na umawat pa kay Gary ngunit wala rin siyang nagawa. Ang mga eksenang tatak-Mara Clara ay ang mga komprontasyon nila ni Clara at minsan ay may pisikalan pa.

5. Got To Believe (2013) Chichay
Siya ay si Chichay Tampipi na mahal na mahal ang kanyang pamilya at gagawin ang lahat para sa kanila. Labis ang lungkot ni Chichay sa pgkawala ng kanyang lolo. Sila ni Daniel Padilla ang mga bida sa teleseryeng ito na nag-trending sa Twitter gabi-gabi! Iba talaga ang dating ng loveteam nila Kathryn at Daniel kaya't sila na ang matuturing na modern day Guy and Pip o Sharon at Gabby.

Subscribe to the ABS-CBN Entertainment channel! - http://bit.ly/ABSCBNOnline

Visit our official website!
http://entertainment.abs-cbn.com
http://www.push.com.ph

Facebook: http://www.facebook.com/ABSCBNnetwork

Twitter:
https://twitter.com/ABSCBN
https://twitter.com/abscbndotcom
Instagram: http://instagram.com/abscbnonline

Loading...

Advertisement
When autoplay is enabled, a suggested video will automatically play next.

Up next


to add this to Watch Later

Add to

Loading playlists...