Upload

Loading icon Loading...

This video is unavailable.

Imbestigador: VIP (Very Important Preso)

Sign in to YouTube

Sign in with your Google Account (YouTube, Google+, Gmail, Orkut, Picasa, or Chrome) to like GMA News's video.

Sign in to YouTube

Sign in with your Google Account (YouTube, Google+, Gmail, Orkut, Picasa, or Chrome) to dislike GMA News's video.

Sign in to YouTube

Sign in with your Google Account (YouTube, Google+, Gmail, Orkut, Picasa, or Chrome) to add GMA News's video to your playlist.

Uploaded on Jun 16, 2011

Mainit, siksikan, at sadyang mahirap ang buhay sa piitan. Literal daw na parusa para sa mga nagkasala at maging sa mga sumasailalim pa lamang sa paglilitis.

Pero sa ilang kulungan, tila iba at espesyal daw ang trato sa ilang mga preso. Kamakailan ay naging laman ng balita ang special treatment diumano na ibinibigay sa mga miyembro ng pamilya ng Ampatuan sa Bicutan City Jail. Malaya raw itong nakagagala at nakakagamit ng cellphone kahit nasa loob ng kulungan. Naging kontrobersyal din si Jason Ivler na nakakulong naman sa Quezon City jail. Kumalat kasi sa internet ang mga litratong nagpa-party siya sa loob mismo ng nasabing kulungan. Nabuking rin ang V. I. P treatment sa dating gobernador na si Jose Antonio Leviste. Nahuli kasi siya sa labas ng bilibid gayong dapat ay nakakulong ito sa kanyang selda. Sa lahat ng mga pangyayaring ito, ang itinuturong kamalian ay ang kapabayaan ng mismong mga nagbabantay sa kanila.

Ilang linggo matapos humupa ang mga balita tungkol sa special treatmet sa mga kulungan, nasolusyunan nga ba ang malaking problema sa sistema ng pamamalakad sa ating mga kulungan?

Sa mahigit dalawang buwan na pagmamanman ng IMBESTIGADOR napatunayan namin na talamak pa rin ang mga ilegal na gawain sa loob mismo ng ahensya na dapat sana'y mahigpit na nagbabantay sa mga bilanggo

Tinutukan ng aming hidden camera ang Bicutan City Jail sa Taguig. Sa loob mismo ng isang kampo ng pulisya naidokumento namin ang V. I. P treatment sa mga big time na detainees. Malaya silang nakakagamit ng mga Cellphone, TV, laptops at pati aircon ay pwede raw sa loob ng selda. Kasama raw yan sa package para sa mga mayayamang nakakulong. Sa halagang P30,000, ang can afford na inmate...makakaranas na daw ng mas komportableng buhay sa piitan. Maging ang ilang tiwaling jail guards nakunan ng aming kamera na tumatangap ng lagay mula sa mga mayayamang preso.

Pero bukod sa mga gamit at korupsyon saloob ng Bicutan City Jail, may mas matindi pang bidyong nakunan ang IMBESTIGADOR. Sa loob mismo ng mga mga selda talamak ang sugal, alak at droga pati babae available! Imbes kasi na hanggang sa visitors' lounge lang ang mga bisita , makikita ang mga bisitang babae na nasa loob mismo ng kwarto ng mga detainee. Maging ang droga malaya raw nakakapasok sa loob ng kulungan. Naaktuhan ng aming kamera ang isang pot session sa loob mismo ng selda. At ang mas ikinabahala namin ay ang impormasyong mismong mga druglord pala ang nakakulong sa Bicutan ang nagsasagawa ng transaction. Dahil sa maluwag na pamamahala at pagbabantay, di imposibleng mapatakbo pa rin nila ang kanilang iligal na negosyo sa labas kahit na sila ay nasa kulungan.

Imbestigador June 18, 2011 Saturday after Kapuso Mo Jessica Soho

Loading icon Loading...

Loading icon Loading...

Loading icon Loading...

Loading icon Loading...

Ratings have been disabled for this video.
Rating is available when the video has been rented.
This feature is not available right now. Please try again later.

Loading icon Loading...

Advertisement
Loading...
Working...
to add this to Watch Later

Add to