Loading...

Balitang Pilipino: Bayanihan sa Lupa Sug (Humanitarian Mission in Sulu)

2,240 views

Loading...

Loading...

Rating is available when the video has been rented.
This feature is not available right now. Please try again later.
Published on May 24, 2015

Libo-Libong mamamayan ng munisipyo ng Jolo ang nakinabang sa isinagawang "Expanded Medical Outreach" Program ng 1st Technical and Administrative Service sa ilalim ng Armed Forces of the Philippines Reserve Command with the theme "Medikalayaan at Musikapayapaan: Handog para sa Lupah Sug" kamakailan.

Hindi naging madali ang isinigawang pagpaplano nitong medical mission na ito. Sa katunayan, lubos na tinutukan ng AFRESCOM ang nasabing kilusan sapagkat ang target na lugar ay ang bayan ng Jolo na sa marapat man o hindi ay naging kilala na bilang isang conflict area.

Alas dose (12) palang ng hating gabi ay nagkatipon (Assembly) na ang mga tropa at iba pang panauhin ng AFRESCOM sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Alas tres (3:00am) ng madaling araw ay isinigawa ang maiksi ngunit napakahalagang briefing patungkol sa Seguridad at Kultura sa Jolo.

Pagkatapos ng Briefing ay nag convoy na kami patungong Villamor Airbase.

Lumulan sa c130, ang tropa ng AFRESCOM, Mga Specialistang manggagamot, Partner Agencies, Mamamahayag at ikinarga ang laksa-laksang mga kahon ng medical supplies at gamot na gagamitin sa CIVAC.

Lumapag ang military plane sa Jolo Airport ng Sulu bandang alas otso ng umaga kung saan sinalubong naman kami ng Joint Task Group Sulu commander at mga tauhan nito.

Ang misyon ay inasikaso at sunuportahan ng kanyang punong-abala ang 501st, Infantry (Valiant) Brigade sa ilalim ng pamununo ni Col Alan Arrojado na siya ring Commander ng Joint Task Group Sulu.

Daan daang mga bata ang nagparehistro sa operation tuli o circumcision na isinagawa sa Jolo Day Care building.

Paano ba nagkaroon ng medical mission dito sa Jolo? at bakit nga ba tinawag ito na Expanded Medical Program?

Alamin natin ang pahayag ni Brigadier Virgilio Garcia, Commander ng 1st TAS Bde

Ang mga Serbisyong nailatag

1. Libreng bunot ng ngipin
2. Libreng gupit
3. Libreng Ear Acupuncture para sa magandang tulog, kalmadong pag-iisip at maginhawang pakiramdam sa pakikipagtulungan ng National Acupuncture Detoxification Association of the Philippines
4. Libreng consultation sa Mata
5. Pediatrics Consultation
6. Veterinary Services
7. Free Legal Aid Consultation

Narito ang pahayag ni Attorney Hussin U. Amin, Mayor ng Jolo.

Lsking pasasalamat ng mga residente ruon lalung-lalu na ang mga tumanggap ng Minor Surgery sa pag-aalis ng lamang bukol.

Sebaceous Cyst, Gangleow Cyst at Lipoma ang mga common type ng bukol na nakuha mula sa mga patiente.

Ito ang pahayag ni Col Gil Y. Gamila, Surgeon Doctor from UST Hospital

Nagparating ng sobrang init na pagkalinga sa mg mamamayan ang ating Sandatahang Lakas (AFP), Integrated Provincial Health Office (IPHO), Lokal na pamahalaan ng Jolo, Society for Peace Economic Environment Development in the Philippines, Department of Public Works and Highway, Civil Relation Service,Office of the Presidential Adviser on the Peace Process at Civil Military Affairs Brigade

Ang Jolo ay ang pinaka unang munisipyo dito sa Isla na kung tawagin din ay Jolo at ito ang Capital ng probinsiya ng Sulu. Ang mga nakatira dito ay 90% muslim at 10% christian.

Ito ang dating centro ng tanyag na Sulu Sultanate. Ngunit ang Jolo o Sulu kaya ay dapat saklaw ng ipinapasang Batas Bangsamoro?

Naghost ng Fellowship Dinner ang Joint Task Group Sulu para sa kanyang mga panauhin

Sa kabilang dako naman ay naghandog ng musikapayapaan or peace concert, ang ating invited band Siakol na mula pa sa Manila sa pamamagitan ng 2nd Marine Brigade. Ang concert ay ginanap sa Sulu Provincial Sport Complex.

Kasamang nag perform ng Siakol Band during the Peace Concert in Sulu ay ang Grin Department at Quest Band.

Kinaumagahan ng Mayo a tres, dosmil kinse ay nanood ang lahat ng labang Pacman - Mayweather kung saan dito muli nagkaisa ang buong sambayanang Pilipino.

Ang Sulu ay isang lugar kung saan ang ilang masasamang elemento ay nag hahasik ng kaguluhan ngunit ang hangaring mabuti at pagtulong sa kapwa ay kailanman ay hindi mahahadlangan. Napatanuyang muli dito na walang balakid na di mapagtatagumpayan kung sama-sama at magtutulungan sa pag lingap sa taumbayan.

Loading...

to add this to Watch Later

Add to

Loading playlists...