Loading...

Watch our Video Coverage of Rainbow Ranger Sunday Soldiers' Alumni Meeting

1,262 views

Loading...

Loading...

Rating is available when the video has been rented.
This feature is not available right now. Please try again later.
Published on Oct 4, 2014

Ang Rainbow Ranger Sunday Soldiers Alumni Association Incorporated (RRSSAAI)at ang Katipunan ng mga Anak ng Pilipinas (KMAB) ay nagkatipon noong Septyembre katorse (14) dosmil katorse upang gunitain ang ika (46th) apat napu't anim na anibersaryo simula sa pagkakatatag ng simulain ng Scout Ranger Warfare Training noong 1968. Ito ay inisponsoran ng University of the Philippines Vanguard.

Ang pagtitipon ay ginanap sa 3rd Floor Vanguard Building, UP Diliman Quezon City sa temang "Recommitment to God, Country and People. Our task is to unite, never to divide."

Ang Rainbow Ranger Sunday Soldiers ay isang novel way of training Reserve Officers' Training Corps o ROTC reserve na pormal na nagsimula taong 1970 hanggang 1983. Ito ay volunteer program na galing sa mga eskuela ng Manila ROTC units.

Ang RRSS ay nahati sa dalawang portion una yung ROTC na nag re-Ranger training tuwing lingo sila yung reservist production. Samanta, yun namang nag ha handle ng training ay tinatawag nilang Cadre na syang nag ha handle ng Reservist Development.

Maging Cadre o ROTC Cadet man basta't natapos ng rainbow training ay myembro ng Alumni ng Rainbow Ranger Sunday Soldiers.

Taong 1970 ang RRSS ay inilagay sa ilalim ng Home Defense Development na ang undersecretary noon ay si Jose M. Crisol, sa rekomendasyon naman ng Department of National Defense - Armed Forces of the Philippines.

Taong 1983 na-dissolve ang programa ng RRSS alinsunod na rin sa Retirement ceremony ni Brigadier General Benjamin R. Vallejo.

Para sa karagdagang detalye at impormasyon patungkol sa RRSS pakinggan ang aming panayam kay Ranger Dave V. Madrid, President ng Rainbow Ranger Sunday Soldiers Alumni Association. (ilagay ang video interview, yung mga wala sa v.o ang ilabas)

Ipinakilala rin sa okasyong ito ang Civic Armed ng RRSS ang KMAB. Ang KMAB ay isang actibong organisasyon na ang layun ay lumingap sa mamamayan tulad ng pagsasagawa ng mga Civic Action, naitala na sa kasaysayan na noong 1971, ang mga boluntaryo ng “Rainbow” ay nagtungo sa mga lugar na pinamugaran na insureksyon tulad ng probinsiya ng Isabela, Tarlac, Pampanga, Zambales, Nueva Ecija at Pangasinan, upang magsagawa ng magkakasunod na Civic Action sa ilalim ng “Rural Service Volunteer Program.”

Ang kasalukuyang presidente ng KMAB ay si Mr. Abner P. Luna.

Nagsagawa rin ng blood compact ang RRSS at KMAB bilang renewal ng kanilang sumpaan sa tipan. (ipalabas ang blood compact video)

Ayon sa aming nakalap na impormasyon, sa 50,000 na myembro ng Raibow Ranger nuon ang mga ilan sa mga myembro nasa active members ng Sandatahang lakas ay ang Vice Chief of Staff ng AFP si Lt. Gen. John S. Bonafos, Brig. Gen. Romeo Gan, commander ng Civil Relations Service ng AFP, Ang speaker na si BGen Alex C Capiña, Chief ng AFP Reserve Command at Brigadier General Florentino P. Manalastas, Dean ng Command and General Staff College (CGSC)

Bagamat hindi na itinuloy ang programang ito, magpahanggang ngayon ay patuloy pa ring ibinubuhay ng Rainbow Ranger members ang kanilang simulain sa pamamagitan ng Alumni members at sa pag gugunita nito ng taunan. (Para sa balitang pilipino ng zambotimes.com Riza Lacbao, nag-uulat)

Loading...

When autoplay is enabled, a suggested video will automatically play next.

Up next


to add this to Watch Later

Add to

Loading playlists...