Loading...

Exhibit B(angkay), Republika ng Facebook, Resto 101, and Let's Zip It! 3

549 views

Loading...

Loading...

Loading...

Rating is available when the video has been rented.
This feature is not available right now. Please try again later.
Uploaded on Oct 17, 2010

Exhibit B(angkay)

Isa raw sa pinakabagong paraan ngayon ng pagpe-preserba ng mga bahagi ng katawan ng tao o hayop ay plastination. Sa prosesong ito, tinatanggalan ng taba at dugo ang parte ng katawan na ipe-preserba at pinapalitan ng polymer o anumang uri ng plastic chemical. Tumatagal daw ng daang taon ang mga bagay na na-plasticized. Sa exhibit na Mythology of the Human Body sa Taguig, makikita ang isang fetus at buong katawan ng isang tao na na-plasticized. Pero paano rin nangyari na ang ibang mga bangkay, kahit hindi naman sinadyang pinreserba ay nananatili pa ring hindi naagnas?

Republika ng Facebook

Marahil pampalipas oras lang sa iba ang pagfe-facebook. Pero para sa ilang mga Pilipino, binago ng social networking site na ito ang kanilang buhay. Tulad ni Elinor na mahigit tatlumpung taon nang nawalay sa kanyang ama, ni hindi nga niya alam ang hitsura nito. Pero dahil sa Facebook nagkita ang magkadugo makalipas ang tatlong dekada. Salamat din daw sa FB, dahil nakilala ni Mary Grace ang kanyang "one and only", si Marten na isang Swedish. Pero may ilan naman, sa sobrang kaka-"fb" halos napabayaan na ang kanilang pamilya! Nagkakaroon na rin daw sila ng "self-esteem issues" sa tuwing konti lang daw ang nagko-comment sa kanilang FB status.


Resto 101

Parami nang parami ang mga nagtatayo ng restaurant ngayon. Pero ano nga ba ang mga dapat tandaan para maging matagumpay ang negosyo sa pagkain? Alamin ang pinagdadaanan ng mga nagsisimula pa lang sumubok sa restaurant business. At tuklasin din ang sikreto ng tagumpay ng mga restaurant na ilang dekada na ring tinatangkilik ng mga Pilipino!


Zip It!

Kahit saang probinsya ka man mapasyal ngayon, ang pangunahin nilang atraksyon — Zipline! Sa Davao del Sur, puwedeng maranasan ang outland adventure kung saan bida ang iba't ibang pagsubok na gamit ang lubid lalo na ang zipline. At di na rin pahuhuli ang Metro Manila dahil may Zipline na rin sa Libis, Quezon City. Dito masusubukan ang Superman Ride na may taas na 100 feet at habang 200 meters. Pero hindi lang pang extreme adventure ang mga zipline. Bago pa man ito gawing recreational activity, ito na ang pinantatawid ng mga gulay mula sa mga kabundukan ng Benguet.

Loading...

When autoplay is enabled, a suggested video will automatically play next.

Up next


to add this to Watch Later

Add to

Loading playlists...