Loading...

Hadith Lesson #16 : Kahalagahan ng Salah حديث عن أهمية الصلاة

1,282 views

Loading...

Loading...

Transcript

The interactive transcript could not be loaded.

Loading...

Loading...

Rating is available when the video has been rented.
This feature is not available right now. Please try again later.
Published on Mar 31, 2011

Kahalagahan ng Salah
inihanda ni: Amer Bin Ali Pundogar
inayos ni: Abu Shaykhani

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ قَالَ : قَالَ رَسُوْلُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَ سَلَّمَ : إِنَّ أَوَّلَ مَا يُحَاسَبُ بِهِ العَبْدُ يَوْمَ القِيَامَةِ مِنْ عَمَلِهِ صَلَاتُهُ ، فَإِنْ صَلَحَتْ فَقَدْ أَفْلَحَ وَ أَنْجَحَ ، وَ إِنْ فَسَدَتْ فَقَدْ خَابَ وَ خَسِرَ . ( رَوَاهُ التِّرْمِذِيّ )

Pagsasatitik:
an Abi Hurairata radiyallahu anhu qala: qala Rasulullahi salallahu alayhi wa sallama: inna awwala ma yuhasabu bihi al-abdu yawma al-qiyamati min amalihi salatuhu, fa in salahat faqad aflaha wa anjaha, wa in fasadat faqad khaba wa khasira. ( Rawahu At-Tirmidhiy )

Pagsasalin:
Isinalaysay ni Abu Huraira (nawa'y kalugdan siya ng Allah), kanyang sinabi: sinabi ng Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan): Ang unang huhusgahan sa alipin sa Araw ng Paghuhukom mula sa kanyang mga gawain ay ang kanyang Salah, at kung ito ay maayos ay katotohanan na siya'y magtatagumpay, at kung ito nama'y hindi maayos katotohanan na siya'y mabibigo. ( Inulat ni At-Tirmidhiy )

Pagpapaliwanag:
Ipinaliwanag ng mga Ulama kung ano ang ibig ipahiwatig ng katagang "magtatagumpay", at ito ay ang pagkalihis sa kaparusahan at pagkamit ng gantimpla sa Araw ng Paghuhukum, at ang "mabibigo" naman ay ang pagkakait sakanya ng tagumpay sa Araw ng Paghuhukum, samakatuwid salungat ng tagumpay. Ang paghusga sa Salah sa Araw ng Paghuhukom ay para sa karapatan ng Allah sa kanyang alipin, at ang karapatan ng tao sa kapwa tao ay ibang paghuhusga rin, yun ang pagpaslang o pagkitil. Mauunang huhusgaan ang karapatan ng Allah sa araw ng paghuhukum at sunod ang karapatan ng tao. Pakatandaan natin na ang Salah ay sadyang may napakahalagang katayuan sa Relihiyong Islam, ito ang ikalawang haligi ng Islam, ito ang pinakamainam na koneksyon ng alipin sa Allah, at nasabi rin na dahil sa kahalagaan nito ay ang Propeta mismo ang pinapunta sa kalangitan at doon sinabi sakanya ang hinggil sa Salah, ito ay nang maganap ang Milagrong Gabi ng Paglalakbay mula Makkah hanggang sa Masjid Al-Aqsa sa Jerusalem at ang pag-akyat ng Propeta sa kalangitan, kumpara sa ibang samba na inobliga sakanya ng Allah sa pamamagatitan ng rebelasyon.

Nagsalaysay ng Hadith:
Nabanggit sa Hadith 2

Mga nakuhang aral:
1. Kahalagaan ng Salah
2. Marapat sa isang Muslim na magsalikisk ng kaalaman hinggil sa Salah at nang sagano'y maipasa niya sa araw na ito'y huhusgaan, sa Araw ng Paghuhukum.

Ang Allah ang ganap na nakakaalam ng lahat.

----------------------------------------

Visit our channel to see more: www.youtube.com/concerningislam

Kindly visit our pages:
www.concerningislam.com
www.facebook.com/concerningislam
www.twitter.com/concerningislam
www.duat.webs.com

Jazakumullahu khayran.

  • Category

  • License

    • Standard YouTube License

Loading...

When autoplay is enabled, a suggested video will automatically play next.

Up next


to add this to Watch Later

Add to

Loading playlists...