Loading...

NPA ambush in Rizal, 418th Police PMG, Jan.3, 2009

591,748 views

Loading...

Loading...

Transcript

The interactive transcript could not be loaded.

Loading...

Loading...

Rating is available when the video has been rented.
This feature is not available right now. Please try again later.
Uploaded on Mar 6, 2009

NPA successful ambush, Rizal, against the 418th Police PMG, January 3, 2009

Contains footage of the successful January 3, 2009 ambush of the Narciso Antazo Command of the New People's Army in Brgy. Macabud, Rodriguez, Rizal which led to the capture of 3 prisoners of war.

Also contains footage of the 3 POWs Police Insp. Rex Contapay, PO1 Albert Umali and PO1 Arvin Agasen sending out their love messages for their families and giving assurance that they are in safe hands.

Statement

3 Pulis na POW, Ligtas sa kamay ng NPA-Rizal!

Statement by Ka Arman "Arms" Guerrero
NDF-Rizal Spokesperson

Bawal na bawal sa NPA ang magmalupit sa mga bihag alinsunod sa "Ang Tatlong Pangunahing Alintuntunin sa Disipilina at Walong Puntong Dapat Tandaan ng Bagong Hukbong Bayan" na mas popular sa tawag na Tres-Otso. Sa batas kaugnay ng armadong tunggalian, pinakamataas na pagpapahalaga ang ibinibigay ng NPA sa pangangalaga sa buhay at kabuhayan ng mga sibilyan at pagtataguyod sa karapatan ng mga bihag ng digma o POW.

Ginagarantiya namin sa mga kapamilya at sa buong publiko na ligtas at nasa maayos na kalagayan sina Police Inspector Rex Contapay, PO1 Albert Umali at PO1 Arvin Agasen, sumuko at nabihag nang ambusin ng Narciso Antazo Aramil Command (NAAC-NPA-Rizal) ang tropa ng 418th Provincial Mobile Group sa Sitio Calumpit, Brgy. Macabud, Rodriguez, Rizal ng Enero 3, 2009.

Kasalukuyan silang iniimbestigahan kung may kasalanan sa mamamayan at rebolusyonaryong kilusan at nililitis nang may paggalang sa kanilang mga karapatan at karampatang proseso ng rebolusyonaryong hustisya sa ilalim ng Demokratikong Gubyernong Bayan. Ginagabayan ang prosesong ito ng nilalaman ng mga kasunduang nilagdaan pareho ng mga kinatawan ng NDFP at GRP sa proseso ng usapang pangkapayapaan katulad ng kasunduang Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL), The Hague Declaration at ng mga probisyon ng Protocol II ng Geneva Convention.

Sa ganitong diwa, inaasahan naming tatalima ang rehimeng Arroyo at mga opisyal ng AFP at PNP sa mga wastong hakbangin alinsunod sa mga kasunduan hinggil sa ligtas na pagpapalaya ng mga bihag ng digma tulad ng binanggit na sa unahan.

Nananawagan kami sa lahat ng makabayan na maging mapagmatyag, ilantad at tutulan ang anumang hakbangin ng mga kagawad ng AFP at PNP na nagnanais na mabawi ang mga bihag sa marahas na paraan at naglulunsad ng mga operasyong nananalasa sa karapatan at buhay ng mga sibilyan at tahasang lumalabag sa mga pinagkasunduan ng NDFP at GRP at pandaigdigang tuntunin ng digma Pinatunayan na ng mga nakaraang pangyayari na hindi ang NPA kundi ang AFP at mga vigilante nito, mga CAFGU at sari-saring pwersang paramilitar ang nagmamasaker sa mamamayan laluna sa mga larangan at baseng gerilya ng BHB;

Mabuhay ang Partido Komunista ng Pilipinas (MLM)!
Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!
Mabuhay ang NDFP!
Mabuhay ang Sambayanang Pilipino!

Loading...


to add this to Watch Later

Add to

Loading playlists...