'Inasal: Blackened dreams"
Benjie and Roxanne are practically living like orphans. Their father died when they were still young while their mother, who works in the city as a housemaid, rarely visits them. The two kids take care of their four younger siblings but to do this, Benjie and Roxanne have to leave them on their own for almost a week to work. Their only source of income in their village: charcoal.
Award-winning journalist Kara David treks the mountains of Sipalay in Negros Occidental to document the lives of these young charcoal makers. There, she discovers that hundreds of trees are being cut, buried and burned to produce charcoal. The collected charcoals are then sold to Inasal" restaurants in Bacolod City. Kara joins the kids as they search for wood to burn, eat, sleep and live like nomads in the mountain for one whole week.
Despite being indebted to the land owner, these children still choose to bear their miserable lives to pay for the carabaos that bring down their sacks of charcoal to the village. But in the midst of their dismal situation, the kids still hope to finish their schooling. Every time they go down from the mountains, teacher Myra Palasuelo is there waiting for them, eager to teach the kids in their once-a-week study session.
Ulilang lubos na kung maituturing ang magkapatid na sina Benjie at Roxanne. Namatayan ng tatay at minsan lang kung uwian ng nanay na nagtratrabaho bilang isang kasambahay. Ang tangi nilang solusyon para buhayin ang apat nilang magkakapatid: pag-uuling. Umaakyat sila sa bundok at doon naninirahan ng halos isang linggo para mangolekta ng kahoy. Ang mga naipong uling, ibinebenta sa mga kainan ng inasal sa Bacolod.
Aakyatin ni Kara David ang kabundukan ng Sipalay sa Negros Occidental para samahan ang mga batang mag-uuling. Sa itaas ng bundok, madidiskubre niyang daan-daang puno ang pinuputol para ibaon sa lupa at sinusunog. Habang hindi pa sapat ang dami ng uling, naghahanap sila ng mga suso sa puno at mga ligaw na halaman para makain. Sinamahan ni Kara ang mga mag-uuling sa kanilang pagtulog sa gabi para malaman ang buhay na pinagdaraanan ng mga batang ito.
Ilang taon na ring nakatali sa pangungutang at pagbabayad ng utang ang mga bata. Kalbaryo man daw ang mamuhay ng ganitong paraan, kailangan nila itong tiisin dahil sa kanilang kalagayan. Bukod pa rito, kailangan din nilang bayaran ang may-ari ng bundok at ang may-ari ng kalabaw na nagbaba ng mga sako ng uling.
Pero kahit ganito ang kanilang sitwasyon, umaasa pa rin ang mga bata na makakapagtapos sila ng pag-aaral. Sa pagbaba ng mga sako ng uling, may naghihintay sa kanilang guro na isang beses lang kada linggo kung makapagturo sa kanila. Nilulubos daw kasi ang pagkakataong ito na nasa ibaba ang mga bata at umaasa silang makakaalis sa ganitong buhay ang mga bata.
very touching..and inspiring
ms. kara ang galing mo
sana ang mga student ko mapanuod ito
para matuto silang magpahalaga sa buhay na merun sila
TheJaromen 2 years ago
grabeee.... Its so inspiring ms. kara.. buti pa yung mga bata they really work hard di tulad ng iba mag nakaw.. but so sad na dapat nasa school sila for that ages. Hoping sana my magawa ang government natin for them... salodo ako sa iyo ms. kara your a good model for me... mwahhhhh!! thanks for the uploader. take care and Godbless.
georgia0414 2 years ago
omg i felt i wanna cry to them life they're so young to work for charcoal...
kennyboang 2 years ago
kwawa ung mg bata noh grabe kara saludo ako sau tlgang ginawa mo
FRANSHAN999 2 years ago
sana may magawa rin ang gov. natin...bilib din ako sa iyo sis. kara galing mo, mabuhay ka ...at saka iyong mga bata nakakaawa
torogi33 2 years ago
Sana ma2Lungan ang mga batang ito..
sweetirene29 2 years ago
kwawa nman..
sna may tmuLong sa kniLa...
SweetAira19 2 years ago