Tumawag ako ng pulong ng mga pamunuan sa Maynila para sabihin: Mga kapatid, tumulong kayo sa akin. Ayokong mamatay ang manggagawa; ang gusto ko ay pagtulong-tulungan nating sila'y buhayin, Sabihin n'yo sa akin kung ano ang ating maitutulong. Aba'y hindi ang sinabi sa akin kung ano ang maitutulong.
Ang sinabi sa akin kung anu-anong KATIWALIAN. Ang sabi sa akin nung isa; Kapatid, tama ho ba na hindi ho itinuturo outline? Tuwing mamimili ho ng tatlong talata, tatanungin, o ano, naiintindihan mo ba iyan? Tama ho ba kapatid, bungkos-bungkos na mga katibayan, siya pumipirma, PINAPALSIKA ho niya pirma ng mga kinauukulang kalihim at mga katiwala ng gawain? Pinigil ko. Ni hindi ko itinanong sino gumagawa niyan.
Bakit? alam kong ang manggagawa sa Maynila, Mawawalan ng dangal kapag nalaman ng lahat, siya pala'y MAGNANAKAW at TAMPALASAN.
Maski saan ka bumaling eh, wala kang makikitang liwanag. Bakit? Kumalat, lumalaganap iyang espiritung iyan na DAYAIN ANG ULAT, dayain ang ulat, LINLANGIN ANG PANGANGASIWA.
Sayang ang papel. Katakut-takot ang nagagastos natin. Binabayaran natin ang mga empleyado sa opisina, hindi pala totoo ang sinisiyasat nila.
Link to this comment:
All Comments (0)