Te' kayo, tingnan ninyo, mga kapatid, iyan ang tagapamahala sa Visayas at Mindanao. Nagpalitan tayo ng mga matatagal na sa pamamahala. Eh isa-isa, lumalapit sa akin, dumadaing sa akin. Kapatid, mayroon ho akong problema. Ano? Yun hong nakatala sa ating sa senso na mga pangalan ng kapatid, eh hindi ko naman ho makita (dito) ngayon sa aking destino.
Ano kako ang ibig mong sabihin? Eh ang numero ho eh napakalaki pero sa katotohanan ho'y wala yung tao. Ang Camarines, este ang Sorsogon, hinihiling sa akin na alisin sa talaan ang kulang-kulang na apatnaraang tao eh kakaunti lang naman ang kapatid sa Sorsogon.
Bakit? Tinignan ko sa ulat ang nakaulat na malamig eh mahigit lang isandaan. Pero ang aalisin eh apatnaraan.
Eh bakit, ano ho ba ang ginawa nung mga dating naroon? Aba'y e di binabago ulat. Pinakikinis para huwag mapagalitan.
Samakamatuwid eh malaman, ang sinasanggalang iyong sarili, hindi ang kapakanan ng iglesia. Eh iyon ho ba'y sa Sorsogon lang? Laganap iyan kung saan-saan. Maski sa Maynila, ANG MGA MANGGAGAWA RITO'Y MAGDARAYA. Sasabihin sa iyo, dinoktrinahan ko iyan. Hindi naman. Sasabihin sa iyo, (nabautismu...) iyan ho'y nasubok sa pagsamba, pero hindi totoo. Eh bakit? Nakita sa matatandang ministro, nakita sa matatandang manggagawa na iyon pala ang paraan para siya ay bumuti sa paningin ng pangangasiwa.
Link to this comment:
All Comments (0)