Isang mapagpalayang umaga po. Ako po si Bro. Ernald. Saluhan nyo po muna ako at tayo'y mag kape't pandasal. Itong darating na weekend, ipagdiriwang na naman natin ang anibersaryo ng unang people power revolution sa edsa. Subalit makalipas ang dalawang dekada ng panibagong demokrasya, tila ang hinanaing ng karamihan ng ating mga kababayan ay ganoon pa rin: marami pa rin ang nananatiling naghihirap at inaapi.
Sa demokrasya daw po ang kapangyarihan ay nasa nakararami. Kung gayon, bakit ang mahihirap na siyang nakararami sa ating bayan ang nananatiling pa ring walang kapangyarihan sa lipunan? Ang ilan naman sa atin ng namumuhay nang maayos ay tila ayaw ng "magpaabala" pa sa kanilang mga hinaing. Sa tunay na demokrasya, hindi maaaring mawala ang pananagutan natin sa isa't isa, mayaman man o mahirap. Lalo na't tayo'y mga Kristiyanong Pilipino: tayo'y laging may tungkulin na pangalagaan ang kabutihan ng ating kapwa.
Kung inaakala natin na ang ating buhay pananamapalataya ay walang kinalaman sa ating naisin para sa bayan, doon tayo nagkukulang. Ang pananampalataya natin, ay nangangailangan ng pagsasabuhay sa pamamagitan ng pagmamahal sa kapwa. At sino pa nga ba ang higit na nangangailangan ng pagmamahal kundi ang mga aba at mahihirap sa lipunan. Wag nating kalimutan, na "sa ating pagmamahal at paglilingkod sa kaninoman, tayo ay nagdadala ng balita ng kaligtasan". Isabuhay natin ang mapagpalayang pananampalataya para sa Diyos at bayan. Magandang umaga po.
Mahirap din ang makakatulong sa kanilang sarili.Ang iba alam na ngang mahirap sila ay mag aanak pa ng marami maturingan lang na sila ay saradong Katoliko.Yung iba naman ay magaasawa na alam naman na walang trabajo at pagkatapos ay pagsasabihan pa ng mga magulang na bigyan nyo ako ng maraming apo.Nakasanayan na kasi na maganak ng marami dahil baka raw isa sa mga anak ay maghango sa kahirapan.Ang tanong ay bakit mo iaasa ang pagyaman mo sa iyong mga anak diba responsilbilidad yun ng mga magulang?
redsoil5 3 years ago